3 pulis, dawit sa pagpatay sa negosyanteng isinilid sa drum

By Inquirer, Jay Dones April 11, 2016 - 01:12 AM

crime-scene-e1400865926320Arestado ng National Bureau of Investigation ang tatlong pulis at dalawang iba pa sa kaso ng pagdukot sa isang babaeng negosyante na pinatay ng mga ito at isinilid pa sa drum bago ipinaanod sa Pasig River nitong nakaraang Linggo.

Kabilang sa mga naarestong suspek ay nakilalang si Inspector Eljie Jacobe ng National Capital Region Police Supplies Division na pangunahing suspek sa pagpatay sa biktimang si Adora Lazatin, 50 anyos.

Ang bangkay ni Lazatin na tanging underwear lamang ang suot ay natagpuan sa loob ng isang asul na drum na inaanod sa Pasig River noong Byernes.

Ayon kay Atty. Manny Eduarte, pinuno ng NBI-Anti Organized and Transnational Crime Division, naaresto ang mga suspek noong Sabado sa aktong nagwi-withdraw ng P50,000 sa Banco De Oro sa Parañaque gamit ang ATM ng biktima.

Una rito, dinukot ng mga suspek ang negosyante noong nakaraang Lunes matapos magpanggap si Jacobe na buyer ng lupang ibinebenta ni Lazatin.

Tinangka pa umano ng mga suspek na humingi ng ransom sa pamilya ng biktima kahit patay na ito.

Anim na ulit ring nakapag-withdraw ng tig-P50,000 ang mga suspek sa ATM ni Lazatin bago ito nahuli ng NBI.

Ayon kay Eduarte, ang ATM withdrawal na ginagawa ng grupo ng mga pulis ang naging susi sa operasyon ng NBI upang madakip ang mga ito.

Ayon sa NBI, aabot sa mahigit 100 operatiba at mga volunteer ang nagbantay sa mga ATM booths sa Metro Manila hanggang sa kanilang maaktuhan ang pagwiwithdraw sa bangko ni Insp. Jacobe sa account ng napatay na biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.