Mga pasyente at bantay sa St. Luke’s Hospital kailangang sumailalim muna sa RT-PCR tests

By Chona Yu March 27, 2021 - 12:39 PM

Simula sa araw ng Lunes, Marso 29, ire-require na ng pamunuan ng St. Luke’s Medical center na sumailalim muna sa RT-PCR swab test ang mga pasyente na magpapa-admit sa ospital.

Kasama rin sa kinakailangan na magpa-swab test ang mga magbabantay ng pasyente.

Ayon sa SLMC, magiging mandatory na ang naturang guidelines para masiguro na hindi na kakalat ang virus ng COVID-19 sa loob ng ospital.

“This will help us ensure thorough screening of all people going inside our hospitals. At the same time, it serves as an added protection that gives further assurance that SLMC is a safe place for all,” pahayag ng SLMC.

Nabatid na lahat ng pasyente na isusugod sa emergency room ay sasailalim muna sa swab test bago ang admission.

Isang bantay lamang ang papayagan sa bawat pasyente ng SLMC sa Quezon City at Bonifacio Global City.

TAGS: COVID-19, RT PCR Test, st luke's medical center, swab test, COVID-19, RT PCR Test, st luke's medical center, swab test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.