CREATE Law nilagdaan na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu March 27, 2021 - 08:33 AM

Nilagdaan n ani Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE).

Nakapaloob sa bagong batas na tatapyasan ang corporate income taxes at insentibo para matulungang makarekober ang mga negosyante sa pandemya sa COVID-19.

Hinihikayat din ng bagong batas ang mga dayuhang mamumuhunan na maglagak ng Negosyo sa bansa.

Gayunman, na-veto ng Pangulo ang mga probisyon ang pagbibigay ng kapanvyarihan sa Fiscal Incentives Review Board.

Hindi rin inaprubahan ng pangulo ang pagbibigay ng redundant incentives, automatic approval ng applications para sa  tax incentives.

Umaasa ang Pangulo na ngayong ganap nang batas ang CREATE, magbibigay ito ng oportunidad para makabangong muli ang ekonomiya ng bansa.

TAGS: COVID-19, CREATE Law, ekonomiya, pandemya, Rodrigo Duterte, COVID-19, CREATE Law, ekonomiya, pandemya, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.