Dalawang online sellers ng COVID 19 test kits nadakma ng PNP – CIDG

Nabitag ng mga tauhan ng PNP – CIDG ang dalawang lalaki  na nagbebenta online ng COVID 19 test kits.

Base sa  ulat, sina Stephen Reyes at Patrick Jimenez ay nahuli sa Sta. Cruz, Maynila matapos maberipika sa Food and Drug Administration (FDA) na ipinagbabawal ang pagbebenta ng COVID-19 Antibody Test Kit.

Isang police poseur-buyer ang nakipag-transaksyon sa mga suspek at umorder online ng 60 kahon ng Clungene Rapid Test Kit sa halagang P408,000 kayat ikinasa ang entrapment operation.

Walang naipakitang mgaa dokumento ang dalawa na magpapatunay na awtorisado silang magbenta ng rapid test kit kayat inaresto na sila.

Nadiskubre na ang dalawa ang namumuno sa Christian Criminal Group na ilegal na nagbebenta ng test kits sa Sta. Cruz, Maynila.

Read more...