Mga vice presidentibles, kanya-kanyang tugon sa ‘Yes or No’  

 

Screengrab CNN Philippines

Isa sa mga highlight ng PiliPinas Vice Presidential debates 2016 ay ang ‘YES or NO’ segment.

Sa unang tanong na ‘have you ever engaged to any corruption activities?,’ unanimous na itinaas nina Senador Alan Cayetano, Francis Escudero, Gringo Honasan, BongBong Marcos, Antonio Trillanes at Congresswoman Leni Robredo ang kani-kanilang NO placards.

Sa ikalawang tanong naman na ‘dapat bang isama sa death penalty ang mangungurakot?,’ tanging si Cayetano lamang ang nataas ng YES placards, habang ang limang Vice Presidential candidates ay nag-NO.

Sa ikatlong YES or NO question na ‘do you belong to a political dyanasty?,’ itinaas nina Cayetano, Escudero at Marcos ang YES placards, samantalang nag-NO sina Robredo, Honasan at Trillanes.

Sumunod naman ang isa sa mga kontrobersyal na tanong sa segment.

Ito ay ‘Is it time to pass the Anti-Political Dynasty Bill’, nag-YES ang anim na VP candidates.

Sinundan pa ito ng isa pang controversial question na ‘do you support same-sex marriage?,’ kung saan unanimous ding sumagot ng NO ang mga kandidato.

Ang ika-anim naman na tanong sa YES or NO segment, ‘Do you think that the government is doing enough in addressing the issue of climate change?,’ muli, sumagot ang lahat ng VP candidates ng NO.

Sa ika-pitong tanong na ‘bilang Bise Presidente, ipaglalaban mo ba ang pagbaba ng income tax?,’ nag-YES ang anim na kandidato.

Sa 8th question na ‘telcos accountability’ o papapanagutin na nila ang mga telecommunication companies, lahat ay nagtaas ng YES placards.

Sa ika-siyam at huling tanong na “Do you have future plans to run for president of the Philippines?,” nag-NO ang mga kandidato maliban kay Trillanes.

Read more...