Cayetano, Marcos, nagkainitan sa PiliPinas VP debates 2016
Nagkatensyon sa pagitan nina Senador Alan Cayetano at Bongbong Marcos sa kasagsagan ng PiliPinas Vice Presidential debates 2016 sa University of Santo Tomas.
Ang pinagmulan ng bangayan… ang umano’y ill gotten wealth ng mga Marcos.
Babala ni Cayetano, kapag nahalal na Bise Presidente si Marcos ay may posibilidad na nakawin daw ng huli ang 100 bilyong dolyar sa mga Pilipino, na mas mataas daw sa nakulimbat ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at cronies nito noong administrasyon nito.
Gayunman, umalma si Marcos at sinabing walang basehan ang mga paratang ni Cayetano.
Pero hindi rito nagtapos ang tensyon sa pagitan ng dalawang Senador na kapwa miyembro ng Nacionalista Party.
Inungkat kasi ni Cayetano ang umano’y pagkakasangkot ni Marcos sa Pork Barrel scam.
Subalit sagot ni Marcos, nasagot na raw niya ang mga paratang na wala naman daw katotohanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.