P20M bayad sa isang tribung maaapektuhan ng konstruksyon ng Kaliwa Dam iimbestigahan

By Jan Escosio March 26, 2021 - 03:46 PM

Hiniling ng ilang mambabatas na maimbestigahan ang nabunyag na pagbibigay ng MWSS ng P20 milyon sa isang komunidad ng mga katutubo na maapektuhan ng Kaliwa Dam project.

Paliwanag ng National Commission on Indigenous People kailangan ang pagsang-ayon ng anim na tribu bago maaring maikasa ang New Centennial Water Source – Kaliwa Dam project na pinopondohan ng Export-Import Bank of China.

Ngunit sinabi ni Agta-Dumagat leader Marcelino Tenan na isa lang sa anim na indigenous groups ang nagbigay ng ‘free, prior and informed consent (FPIC)’ para maikasa ang P12.2 bilyong halagang proyekto.

Gayunman, sinabi ni Agta-Dumagat leader Marcelino Tenan na isa lamang sa anim na indigenous groups ang nagbigay ng FPIC sa MWSS at sinabing tumanggap ito ng P20 million na pondo mula sa ahensiya. Aminado naman si MWSS deputy administrator Leonor Cleofas na kailagan makuha ng project contractor, ang China Energy Engineering Corp. (CEEC) ang lahat ng permits at clearances bago nila masimulan ang proyekto. Ang sinasabing pagbabayad ng MWSS ng P20 milyon ay nabunyag sa deliberasyon ng House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous People. Bunga nito, hiniling nina House Deputy Speaker at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, gayundin ni ACT Rep. France Castro na makapagsagawa ng special audit sa pondo ng MWSS para malaman kung totoo ang pagbubunyag ni Tenan at kung ang pera ay ‘padulas’ sa katutubong grupo. Sinabi naman ni IP leader Thelma Aumentado ang pera ay tulong ng MWSS sa tribo na naaapektuhan ng hiwalay na  Angat – Umiray project sa Quezon Province. Dagdag pa ni Cleofas, surveys at geological investigation pa lamang ang nagagawa ng contractor para sa pagbuo ng plano at magiging disenyo ng Kaliwa Dam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.