Aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nasa 7,873

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 43,559 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Biyernes ng umaga (March 26).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 7,873 o katumbas ng 18.1 porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.

Bunsod nito, 34,297 o 79.9 na porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 889 na o dalawang porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 226,681 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...