Mayor Moreno, pinayagan na ang 10-percent capacity sa mga simbahan sa Maynila
Sang-ayon si Manila City Mayor Isko Moreno sa desisyon ng Archdiocese of Manila na ipatupad ang 10-percent seating capacity sa mga simbahan sa lungsod.
Sinabi ng alkalde na sang-ayon siya sa pastoral letter ni Bishop Broderick Pabillo kung saan sinabi nitong, “we will not have any religious activity outside of our churches such as senakulo, pabasa, processions, motorcades and Visita Iglesia.”
“But within our churches starting March 24, we will have our religious worship within 10% of our maximum church capacity,” ayoj kay Pabillo at dagdag pa nito, “Let the worshipers be spread apart within our churches, using the health protocols that we have been so consistently implementing.”
Ngunit, pinaalalahanan ng alkalde ang mga Katoliko na sundin ang basic health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields, at physical distancing.
Nagpasalamat naman si Moreno sa mga simbahan matapos pumayag na mai-livestream sa Facebook ang mga misa para sa mga Katoliko na makikiisa sa religious activities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.