400,000 Sinovac vaccines, ibibigay sa mga healthcare workers sa NCR bubble, Cebu at Davao
Ibibigay ng pamahalaan ang 400,000 doses ng Sinovac vaccine sa mga healthcare workers na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, napagkasunduan ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ibigay ang mga bakuna sa National Capital region “bubble” (NCR, Batangas, Rizal, Laguna, Cavite) kasama na ang Cebu at Davao.
“Nagkaroon na po ng decision ang NITAG na ang nakakarating lang po na pinakahuling donasyon ng China na 400,000 Sinovac ay ibibigay ang karamihan nito doon sa pinakaapektado ng new variants, kasama na po ang NCR Plus, at ang Cebu, at Davao. Iyan po ay impormasyon na ipinarating sa ating ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez,” pahayag ni Roque.
Matatandaang dumating sa bansa ang 400,000 na bakuna noong Miyerkules, Marso 24.
Sa kabuuan, nasa isang milyong bakuna na ng Sinovac ang naging donasyon ng China sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.