PRC licensure exam sa Mayo at Hunyo, tuloy na

 

 

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang hirit ng Professional Regulation Commission na magsagawa ng licensure examinations for professionals sa Mayo at Hunyo ngayon taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan lamang sumunod sa istriktong ipinatutupad na health protocols ng Department of Health.

Ayon kay Roque, ang kukuha ng exam na nanggagaling sa mga lugar na general community quarantine ay hindi hinikayat na bumiyahe sa mga lugar na modified general community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 transmission.

Base sa website ng Philippine Regulation Commission, nakatakda ang mga licensure examinations sa Mayo ang Civil Engineers, Dentists, Chemical Engineers, Certified Public Accountants, dental Hygienists at Nurses.

Nakatakda naman sa Hunyo ang licensure exam para sa mga Real Estate Appraisers, Physical Therapists, Occupational Therapists, Naval Architects and Marine Engineers, Metallurgical Engineers, Criminologists, Architects at Interior Designers.

Read more...