Pagbakuna sa Senate employees inihirit ni Sen. Pia Cayetano

Radyo Inquirer Photo / Fritz Michael Sales

Nilinaw ni Senator Pia Cayetano na ang kanyang kahilingan ay mabakunahan din ang mga empleyado ng Senado at hindi muna ang mga senador.

“Our concern are our employees who do so much legwork and some of them have to commute,” sabi ng senadora.

Ayon kay Cayetano nilinaw niya ang isyu upang hindi magkaroon ng impresyon ang publiko na nais ng mga senador na unang mabakunahan.

Inihirit naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Malakanyang na magbigay sa Senado ng kinakailangan bakuna upang hindi maantala ang ‘business of legislation.’

Diin niya maaring nagagawa ng mga senador ang kanilang mga trabaho ngunit hindi nila magagawang magpasa ng mga panukala kung wala ang kanilang mga kawani.

Sa ngayon aniya paralisado ang Senado at diin nito napakahalaga ng Senado lalo na ngayon nalalapit na ang budget hearing para sa pondo ng mga ahensiya ng gobyerno sa susunod na taon.

Ilang araw ng naka-lockdown ang Senate building dahil sa dumadaming kaso ng pagkakasakit ng mga empleado ng COVID 19.

Read more...