Update: Umpisa ng PiliPinas VP debates, naging mainit kaagad!!!

By Isa Avendaño-Umali April 10, 2016 - 05:49 PM

alanOn-time na nag-umpisa ang Pilipinas Vice Presidential debates 2016, sa University of Santo Tomas o UST Quadricentennial Hall.

Ang CNN Philippines ang media partners sa kauna-unahan at tanging debate sa hanay ng mga kandidato sa pagka-Bise Presidente.

Ang mga moderator ay sina Pia Hontiveros at Pinky Webb.

Sa unang parte, inilahad ng mga kandidato ang kani-kanilang opening statement.

Maagang banat ni Senador Alan Cayetano, “lagi na lamang Marcos at Aquino. Wala na bang iba?”

Sinabi naman ni Senador Francis Escudero, ‘Ang handa ko ay lideratong pantay-pantay. Walang pinipili.”chiz

honasanPara kay Senador Gringo Honasan, magta-trabaho siya at itutuloy ang pagsusulong ng “unity, peace and security.”

Nang sumalang naman si Senador BongBong Marcos, nahinto pansamantala ang kanyang pag-opening speech dahil sa mga ‘heckler’ o anti-Marcos audience na nakapasok sa venue.

Agad namang pinalabas ng mga moderator ang mga nanggulo, at naipagpatuloy ni Marcos ang kanyang opening speech.

Aniya, ang gaganaping halalan sa Mayo ay ang pinakamahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas.

Dagdag pa nito, ang kailangan ng bansa na lider ay lider na hindi namumulitika lamang, dapat inuuna ang kapakanan ng marami.bbm pic

leniSumunod naman si Congresswoman Leni Robredo na nangako na ang pamahalaan na kanyang inaalok ay nakikinig.
Huli si Senador Antonio Trillanes, tumayo siya sa sariling kakayahan. trillanes

 

 

TAGS: #PiliPInasDebates2016, #VotePH2016, #PiliPInasDebates2016, #VotePH2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.