1,921 sa 3,251 pasado sa Medical Technologist Licensure Exam
Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 1,921 sa 3,251 kumuha ng Medical Technologist Licensure Examination ang nakapasa sa pagsusulit.
Isinagawa ang eksaminasyon sa Maynila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pangasinan, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nanguna sa eksaminasyon si Felix Jayson Magleo Vegella mula sa Virgen Milagrosa University Foundation matapos makakuha ng 91-percent rating.
Inilabas ang resulta matapos ang limang working days mula sa huling araw ng eksaminasyon.
Isasagawa naman ang registration para sa paglalabas ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration online mula April 20 hanggang May 14, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.