Sen. Leila de Lima inihirit ang pag-inhibit ng judge na may hawak ng drug cases

By Jan Escosio March 25, 2021 - 09:13 PM

Naghain ng mosyon si Senator Leila de Lima at hiniling ang pag-inhibit ng hukom sa isa sa dalawang drug cases na kanyang kinahaharap.

Sa kanyang 49-pahinang mosyon, nais ni de Lima na bitawan ni Judge Liezel Aquiatan, ng Muntinlupa RTC Branch 205, ang kasi dahil sa pagdududa sa kanyang pagiging patas, integridad at moral courage.

Una nang ibinasura ng hukom ang isa sa tatlong kaso ni de Lima, ngunit kasabay nito ang pagtanggi niya sa hirit ng senadora na motion for dismissal due to insufficient evidence sa kaso na kapwa akusado niya ang dating aide na si Ronnie Dayan.

Giit ng mga abogado ni de Lima, sadyang binalewala ng hukom ang ilang ebidensiya at pinili ang papabor sa posisyon ng panig ng prosekusyon.

Naniniwala din ang kampo ng senadora na nagbigay na ng impresyon si Aquiatan na may hatol na ito sa kaso.

“Her constant refusal to consider the points of the Defense and play blind and deaf as if the records do not exist cast grave doubts on her ability to continue dispensing justice in this case with neither fear nor favor,” ang mababasa sa inihain mosyon ni de Lima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.