Minimum health standards violators umabot sa 1.5M sabi ng PNP

Simula noong nakaraang Agosto hanggang noong Martes, Agosto 23, higit 1.5 milyon na ang nasisita dahil sa paglabag sa minimum health standards and protocols.

Ayon kay PNP Chief Debold Sinas ang nangungunang paglabag ay ang hindi pagsusuot ng mask.

Base din sa kabuuang bilang, sa Metro Manila naitala ang pinakamaraming nahuli, 260,000 o 17.31 porsiyento.

Ang ibang mga paglabag ay hindi pagsusuot ng face shield, pagtitipon-tipon, hindi pagsunod sa physical distancing at ang hindg pag-uulat ng may-sakit.

Sa bilang naman naman ng mga lumabag sa 10 pm – 5am curfew sa Metro Manila mula Marso 15 hanggang 23, 27,513 ang nahuli at marami sa kanilang ay pinagmulta.

Read more...