Pondo para sa ‘One Town, One Product’ bill lumusot na sa House panel

Lumusot na sa House Committee on Appropriations ang paglalaan ng pondo para sa panukalang batas na nagsusulong sa pagkakaroon ng isang natatanging produkto ng isang lungsod at bayan.

Sinabi ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat, may-akda ng House Bill 7312 o ang One Town, One Product Philippines Act of 2021 (OTOP), layon ng kanyang isinulong na panukala na mabigyan ng sapat na pondo ang One Town, One Product program.

Dagdag pa niya makakatulong ito sa mga micro, small and medium enterprises o (MSMEs).

Sa pamamagitan din ng panukala aniya ay makakatiyak na maibebenta ang mga produktong ng mga magsasaka at negosyante.

“Isang hakbang ang OTOP Philippines Program upang masiguradong maibebenta ang produkto ng mga magsasakang Filipino na maipagmamalaki,” sabi pa ng mambabatas.

 

 

Read more...