Bilang ng lugar na nakasailalim sa lockdown sa QC, nasa 52 na

By Angellic Jordan March 25, 2021 - 07:19 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA) sa Quezon City.

Batay sa datos ng Quezon City government hanggang sa araw ng Huwebes, March 25, umabot na sa 52 ang kabuuang bilang ng naka-lockdown na sa lungsod.

Mahigpit na binabantayan ang mga lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Nilinaw naman ng QC government na may mga partikular na lugar lamang na kabilang sa SCLA at hindi buong barangay.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

Sasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, lockdown in Quezon City, Radyo Inquirer news, SCLA, COVID-19 response, Inquirer News, lockdown in Quezon City, Radyo Inquirer news, SCLA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.