Hiling ni Pangulong Duterte sa kanyang kaarawan, malagpasan ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic
Iisa ang birthday wish ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magdiriwang ang Pangulo ng kanyang ika-76 na kaarawan sa Marso 28.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hangad ng Pangulo na malagpasan ng bansa ang pandemya sa COVID-19 at makabalik na sa normal na pamumuhay ng bawat Filipino.
Ibig sabihin, ayon kay Roque ay maibalik ang napakataas na growth rate taun-taon para matupad ang pangako ng Pangulo na mabigyan ng komportableng buhay ang lahat.
Hangad din aniya ng Pangulo na makabangon ang lahat sa pandemyang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.