Panalo ni Pacquiao, ‘welcome news’ para sa mga sundalo

By Isa Avendaño-Umali April 10, 2016 - 08:36 PM

 

AP Photo/John Locher

Umani ng papuri mula sa Malakanyang at matataas na opisyal ng bansa si Pambansang Kamao Manny Pacquiao dahil sa mahusay na performance nito sa kanyang sinasabing ‘farewell fight’ sa larangan ng boksing.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., muli ay binigyang karangalan ni Pacquiao ang Pilipinas matapos talunin ang Amerikanong boksingero na si Timothy Bradley.

Dagdag ni Coloma, nagpapasalamat ang Palasyo kay Pacquiao dahil sa ipinamalas nito na ang mga Pilipino ay may katapangan at kakayahan para makipag-kumpetensya sa global arena.

Malugod ding binati ni Vice President Jejomar Binay si Pacquiao, na kaalyado nito at isa sa mga Senatorial candidate ng United Nationalist Alliance o UNA.

Ani Binay, muling ipinakita ni ‘Pacman’ ang mga katangian ng bawat Pilipino: determinasyon na harapin ang hirap sa buhay, ang bumangon mula sa pagkakalugmok, at magtagumpay laban sa mga pagsubok.

Para naman kay AFP Chief General Hernando Iriberri, isang ‘most welcome news’ at ‘source of comfort’ ang pagkakapanalo ni Pacquiao sa gitna ng ulat ng pagkamatay ng labing walong sundalo sa bakbakan sa pagitan ng military at Abu Sayyaf Group sa Basilan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.