MRT-3, ilulunsad ang EDSA Carousel Bus Augmentation sa kasagsagan ng Holy Week Maintenance Shutdown

By Angellic Jordan March 25, 2021 - 04:22 PM

Ilulunsad ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3, katuwang ang Department of Transportation (DOTr) Road Sector, ang EDSA Bus Carousel Augmentation Program, sa kasagsagan ng maintenance shutdown ng rail line sa darating na Holy Week.

Layon nitong tulungan ang mga regular na pasahero ng linya.

Ipakakalat ang mga Public Utility Bus (PUB) mula 5:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi simula sa March 31, 2021 hanggang Abril 4, 2021.

Tiniyak naman ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na sapat ang magiging bilang ng mga bibiyaheng bus.

Ipatutupad ang tigil-operasyon sa linya ng MRT-3 para bigyang daan ang taunang maintenance rehabilitation activities ng rail line.

Kabilang dito ang pagpapalit ng turnouts, paglalagay ng mga point machine, at pagkakabit at realignment ng CCTV units sa mga istasyon ng MRT-3.

Magbabalik naman ang operasyon ng MRT-3 sa Lunes, Abril 5, 2021.

TAGS: EDSA Carousel Bus Augmentation, Holy Week maintenance shutdown, Inquirer News, MRT-3 Holy Week schedule, MRT-3 operations, Radyo Inquirer news, EDSA Carousel Bus Augmentation, Holy Week maintenance shutdown, Inquirer News, MRT-3 Holy Week schedule, MRT-3 operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.