P3.2-M halaga ng ukay-ukay, nasamsam ng BOC sa Pasay

By Angellic Jordan March 25, 2021 - 04:09 PM

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 400 bales ng ukay-ukay sa Malibay, Pasay City araw ng Miyerkules (March 24).

Nakuha ito ng BOC sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Manila International Container Port (MICP), katuwang ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ikinasang inspeksyon sa storage facility, nadiskubre ang ukay-ukay na nagkakahalaga ng P3.2 milyon.

Isinasagawang ang masusing imbestigasyon at inventory para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa hindi pa matukoy na may-ari ng mga gamit dahil sa paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Noong March 23, 2021, nakumpiska rin ng BOC ang P48 milyong halaga ng smuggled cigarettes mula sa China.

Una itong idineklara bilang karton, bicycles, at folding tables.

Nangako naman ang BOC na patuloy nilang gagampanan ang kanilang mandatos na protektahan ang bansa mula sa mga ilegal na produkto.

TAGS: BOC operation, Inquirer News, MICP, Radyo Inquirer news, ukay-ukay, BOC operation, Inquirer News, MICP, Radyo Inquirer news, ukay-ukay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.