BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 693,000; 8,773 bagong record high

Pumalo sa 8,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (March 25), pumalo na sa 693,048 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 99,891 o 14.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 8,773 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang pinakamataas na naitalang kaso ng nakamamatay na sakit sa Pilipinas sa loob ng isang araw.

95.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.0 porsyento ang asymptomatic; 0.45 porsyento ang moderate; 0.8 porsyento ang severe habang 0.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 56 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 13,095 o 1.89 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 574 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 580,062 o 83.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...