DILG, walang nakikitang criminal liability para kasuhan si Mark Anthony Fernandez

By Chona Yu March 25, 2021 - 02:48 PM

Walang nakikitang criminal liability ang Department of Interior and Local Government para kasuhan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez dahil sa pagsingit sa pila ng mga babakunahan kontra COVID-19.

Nakasaad kasi sa panuntunan sa Pilipinas na ang healthcare workers muna ang uunahin sa pagbabakuna dahil sa limitado pa ang suplay.

Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, hinanapan ng kanilang legal team kung ano ang maaring ikaso kay Fernandez.

Pero sa ngayon, wala aniyang makita ang kanilang hanay.

Isa kasi aniyang vaccination program ng national at local government ang pinagkakalooban ng sitwasyon ni Fernandez.

“Sa ngayon po, amin iyang tinanong sa legal experts. Yung mga sumingit kagaya po ni Mark Anthony Fernandez nga kahapon na wala sa priority list pero nakasingit, as of this time, wala po kaming nakikitang potential liability. So mukhang makakalusot siya kung wala kaming makikitang liability, ” pahayag ni Densing.

Wala aniya silang makita sa ngayon na liability ng sinumang sibilyan o indibidwal na nakasingit mabakunahan dahil hindi naman ito taga-gobyerno.

Kaya ang tinitingnan aniya nila rito na posibleng makasuhan ay ang mga opisyal ng gobyerno, lokal man o nasyunal, na nagpasingit sa aktor para mabakunahan kahit wala sa priority list.

Una rito, sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na natapos na ng kanilang hanay ang pagbabakuna sa healthcare workers.

Sunod aniya sa kanilang priority list ang mga senior citizen at ang mga taong may sakit.

Sa kaso aniya ni Fernandez, may comorbidities ang aktor.

Pero sa artikulo na lumabas sa pep.ph, sinabi ni Fernandez na malusog ang kanyang pangangatawan at walang sakit bago nagpaturok ng bakuna kontra COVID-19.

Umapela na lamang si Densing sa publiko lalo na sa mga nag-iisip sumingit sa pila ng mababakunahan kahit wala sa priority list na huwag nang ituloy ang plano at makonsensya naman sana.

TAGS: COVID-19 vaccination, DILG, Epimaco Densing III, Inquirer News, mark anthony fernandez, Mayor Edwin Olivarez, Radyo Inquirer news, COVID-19 vaccination, DILG, Epimaco Densing III, Inquirer News, mark anthony fernandez, Mayor Edwin Olivarez, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.