Detalye ng engkwentro na ikinamatay ng 18 sundalo, dapat isapubliko-Sen. Marcos
Ipinasasapubliko ni Vice Presidential candidate Bongbong Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang detalye ng engkwentro sa Basilan sa pagitan ng tropa ng militar at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group p ASG sa Basilan noong Sabado na ikinamatay ng labing walong sundalo.
Ayon kay Marcos, may karapatan ang sambayanan lalo na ang mga pamilya ng mga nasawing sundalo para sa ‘full transparency’ ng naturang military operation laban sa ASG.
Giit ng Senador, hindi dapat itago ng AFP ang detalye ng bakbakan kaya marapat na mailabas ang katotohanan.
Hindi naman naitago ni Marcos ang pagkabahala hinggil sa umano’y pananahimik ng AFP ukol sa naganap na sagupaan sa Basilan.
Ani Marcos, tila naulit ang nangyari noong madugong Mamasapano Encounter na ikinasawi ng apatnapu’t apat na commandos ng PNP Special Action Force o SAF, kung kailan naglabas lamang ng public pronouncement ang mga opisyal makalipas ang ilang linggo.
Sinabi ni Marcos na kabilang sa mga katanungan masagot at dapat na isapubliko ng AFP ay kung sino ang nanguna sa operasyon at ang eksaktong layon ng operasyon sa lugar ng ASG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.