Pangulong Duterte, dinepensahan ang pagtatalaga ng mga retiradong opisyal ng militar

By Chona Yu March 25, 2021 - 02:03 PM

PCOO photo

Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng mga retiradong opisyal ng militar para tugunan ang pandemya sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, hindi naman kailangan ang doktor lalo na kung ang pag-uusapan ay ang pagbili ng bakuna.

“Kaya nga eh, kaya nga kayo nagtatanong bakit kaya masyadong atat sa military wala mang alam ‘yan? Hindi man ito — this is a mechanical act. It is not a study of medicine. Ano ito parang transaction sa negosyo kaya tinawag ko si Galvez, Secretary, para siya ang magdala,” pahayag ng Pangulo.

Kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo para tugunan ang problema sa COVID-19 ang mga retiradong heneral na sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año at Environment Secretary Roy Cimatu.

“You need not be a doctor here ‘coz you are transacting a business. It is not really a matter of medical science that you are talking of. So mayroong mga tanong nila sa akin: “Bakit ka Duterte mahilig ka sa military?” pahayag ng Pangulo.

TAGS: Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., Sec. Delfin Lorenzana, Sec. Eduardo Año, Sec. Roy Cimatu, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., Sec. Delfin Lorenzana, Sec. Eduardo Año, Sec. Roy Cimatu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.