Pacquiao, desidido sa kanyang retirement

By Isa Avendaño-Umali April 10, 2016 - 02:06 PM

Pacman
Photo grab sa twiiter account ni Pacquiao

Naninindigan si Manny Pacquiao sa kanyang desisyon na magretiro na sa larangan ng boksing.

Ito’y kahit pa naging ‘impressive’ ang kanyang performance at panalo sa katatapos na boxing match nito kay American boxer Timothy Bradley sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Wagi si Pacquiao via unanimous decision sa iskor na 116-110.

Sa post fight TV interview kay Pacquiao, natanong sa tinaguriang Pambansang Kamao kung itutuloy pa rin ba niya ang pakikipag-laban sa ring.

Pero ayon kay Pacquiao, bagama’t physically ay okay pa siya at pwede pang sumabak sa boxing fights, mayroon na raw siyang desisyon, at ito ay ang pagreretiro na.

Sinabi ni Pacman na sa ngayon, ang nais lamang niya ay makatulong sa mga tao at mailaan ang panahon sa kanyang pamilya.

Sa Pacquiao, kinatawan ng Saranggani sa Mababang Kapulungan, ay tumatakbo sa pagka-Senador sa May elections.

Sa post naman ni Pacquiao sa Twitter, pinasalamatan nito ang kanyang misis na si Jinkee na nasa Las Vegas para suportahan ang farewell boxing match ng mister.

Tweet ni Pacquiao, “Through thick and thin. Always by my side no matter what. To God be the glory” at may picture nila ni Jinkee.

TAGS: manny pacquiao, manny pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.