Singit-singit sa pila sa bakuna, ayon kay Pangulong Duterte, ay hindi maiiwasan

Aminado si Pangulong Duterte na hindi maiiwasan na may makasingit sa isinasagawang vaccine rollout.

Aniya kahit may priority list, imposible na walang sumingit lalo na kung mataas na lokal na opisyal.

Kadalasan aniya ay kailangan magpaturok ang opisyal para bigyan kumpiyansa ang kanyang mga kababayan sa sinasabing proteksyon kontra COVID 19

“Ang sabi nila na… Ito ‘yong mga ang rason nila I think that is universal excuse na para hindi matakot ‘yong mga constituents. Well, ako, medyo gray area ‘yan na dapat talaga ang una ‘yong mga… Whether or not if they jumped the COVID-19 line of vaccination would require a certain amount of a legal study. So ‘yon lang po. Sila ‘yong may show cause order. Bakit sila ang nauna? Instead of following the — seeing to it that the list is followed religiously at hindi nasunod, ” pahayag ng Pangulo.

Sa ngayon, pinadalhan na ng Department of Interior and Local Government ng show cause order ang mga mayor na sumingit sa pila.

Kabilang na sina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City, Leyte; Mayor Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato; Mayor Sulpicio Villalobos ng South Cotabato; Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, Albay; Mayor Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan.

Gayundin sina Mayor Elanito Peña ng Minglanilla, Cebu; Mayor Victoriano Torres ng Alicia; Mayor Virgilio Mendez ng San Miguel; at Mayor Arturo Piollo II ng Lila.

Read more...