Bayanihan 3, hinahanap na ng pondo ng pamahalaan
Iginiit ni House Speaker Lord Allan Velasco na mahalaga ang pagkakaroon ng isa pang economic stimulus package matapos isinailalim ang ilang lugar sa localized lockdown at ilang negosyo ang napilitang magsara ulit dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.
Ayon kay Velasco, tiniyak sa kanya ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na hinahanapan na nila ng pagkukunan ng pondo ang isinusulong na Bayanihan 3.
Sinabi ni Velasco na nakikita rin ni Dominguez na kailangang tulungan ang mga naghihirap na Pilipino kaya umaapela nga raw ito sa kanya na bigyan siya ng sapat na panahon para hanapan ng pondo ang Bayanihan 3.
Ito ay kahit pa makailang ulit nang sinabi ng economic managers na hindi sila sigurado kung kailangan pa ang ikatlong stimulus package kung luluwagan naman ang quarantine restrictions at gumulong nang mas mabilis ang ekonomiya ng bansa.
Sa ilalim ng House Bill 8626 na inakda ni Velasco, P108 bilyon ang ilalaan para sa karagdagang social amelioration sa impacted households, P100 bilyon para sa capacity-building ng mga apektadong sektor, P52 bilyon para sa wage subsidies, P70 bilyon para sa capacity-building ng agricultural producers, P30 bilyon para sa internet allowance ng mga guro at estudyante, P30 bilyon para sa displaced workers, P25 bilyon para sa COVID-19 treatment at vaccines, at P5 bilyon para sa rehabilitation ng mga lugar na apektado ng mga nagdaang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.