Sen. Ralph Recto ibinilin sa PNP na isama ang body cams sa 2022 shopping list

By Jan Escosio March 25, 2021 - 10:02 AM

Kinatok na ni Senate President Ralph Recto ang PNP na maghanda na sa pagbili ng body cams simula sa susunod na taon.

Kasabay ito ng pahayag ng Korte Suprema na ikinukunsidera na nila ang paglalabas ng direktiba sa paggamit ng body cameras sa pagsisilbi ng warrants.

Sinabi ni Recto na ang pahayag ay dapat din bigyan pansin na ng Deparment of Budget at DILG, kayat dapat ay ikunsidera na ito sa paghahanda ng kani-kanilang 2022 budget.

Sabi naman niya sa PNP dapat isama na sa kanilang ‘shopping list’ sa susunod na taon ang body cameras.

Pinansin ni Recto na ngayon taon, wala sa pondo ng pambansang-pulisya ang pagbili ng body cameras.

Sa nakalipas na apat na taon, 2,600 body cameras lang ang nabili ng PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.