COVID 19 jab kay Mark Anthony Fernandez pinasisilip ni Pangulong Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na imbestigahan ang pagpapaturok ng bakuna kontra COVID 19 ng isang aktor sa Parañaque City.
Pahayag ito ng Pangulo matapos aminin ng aktor na si Mark Anthony Fernandez na nagpaturok na siya ng bakuna sa Parañaque City.
Gayunman, hindi direktang pinangalanan ng Pangulo si Fernandez.
Nakasaad kasi aniya sa kondisyon ng World Health Organization na uunahing turukan ang mga healthcare workers lalo na kung donasyon ang mga bakuna.
“Ikaw na ang bahala. Ayaw ko na lang magpangalan ng tao. It happened in the — sa Parañaque. So anak ito ng artista. Kayo na ang bahala mag-imbestiga nito. Then kung matapos na ito, let the — your legal office handle the… Or idiretso mo na lang sa — make a report out of that incident and idiretso mo na lang sa Ombudsman. Mas mabuti, mas madali, ” dagdag ng Pangulo.
Nangangamba ang Pangulo na kapag hindi nasunod ang kondisyon ng WHO, mawawalan na ng ayuda ang Pilipinas.
” Kasi sinabi na sa atin ng country representative ng WHO, if you do not follow the list of priority, you might lose the assistance of the WHO. It was made clear to us na ganoon ang pagkasabi, okay,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.