Ang naitalahang pagbaba ay 1.91, ngunit paglilinaw ng grupo, hindi pa masasabi kung simula na ito ng pagbaba ng naitatalang bagong kaso sa Kalakhang Maynila.
Nitong nakaraang linggo, 61 porsiyento ang itinaas ng kaso, 3,804 kada araw sa nakalipas na linggo.
Ito ay umakyat sa 27.2 kada 100,000 kayat nailagay ang Metro Manila sa ‘high risk classification.’
Kahapon, iniulat ng DOH ang karagdagang 6,666 bagong kaso na mababa ng humigit-kumulang na naitalang 7,000 hanggang 8,000 simula noong Biyernes, Marso 19.
Ang Metro Manila kasama ang tatlo pang kalapit na lalawigan ay kabilang sa NCR Plus bubble, na pawang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).