Kaso ng hawaan ng COVID 19 sa Metro Manila bumaba – OCTA Research

By Jan Escosio March 25, 2021 - 09:01 AM

Bumaba ang COVID 19 reproduction rate sa Metro Manila hanggang kahapon, Marso 24, ayon sa OCTA Research Group.

Ang naitalahang pagbaba ay 1.91, ngunit paglilinaw ng grupo, hindi pa masasabi kung simula na ito ng pagbaba ng naitatalang bagong kaso sa Kalakhang Maynila.

Nitong nakaraang linggo, 61 porsiyento ang itinaas ng kaso, 3,804 kada araw sa nakalipas na linggo.

Ito ay umakyat sa 27.2 kada 100,000 kayat nailagay ang Metro Manila sa ‘high risk classification.’

Kahapon, iniulat ng DOH ang karagdagang 6,666 bagong kaso na mababa ng humigit-kumulang na naitalang 7,000 hanggang 8,000 simula noong Biyernes, Marso 19.

Ang Metro Manila kasama ang tatlo pang kalapit na lalawigan ay kabilang sa NCR Plus bubble, na pawang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.