Bakuna iturok sa essential workers sa halip na mag-expire – Sen. Joel Villanueva

By Jan Escosio March 25, 2021 - 08:52 AM

Hinimok ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na sa halip na mag-expire at masayan ang mga bakuna, makakabuti kung ituturok na ang mga ito sa essential workers.

Giit ni Villanueva, nanatiling prayoridad ang health workers ngunit aniya may mga frontline workers din na kinakailangan mabakunahan sa pinakamadaling panahon.

“Vaccination should be time-on-target because vaccines have expiry dates. Instead of throwing away, use it now,”” giit nito.

Binanggit niya ang public transport drivers at mga nagdadala ng mga pangunahing pangangailangan na kailangan agad din mabakunahan.

Katuwiran niya dahil sa uri ng kanilang trabaho ay ‘exposed’ din sila sa panganib na makuha ang 2019 coronavirus.

“If there’s no transportation, who would bring our nurses to the hospital, or cashier to the grocery, or the pharmacist to drug stores?” he said. “Who will deliver food or groceries if there are no riders?” makahulugang tanong ng namumuno sa Senate Committee on Labor.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.