COVID 19 case surge napapansin din sa Batangas, Pampanga at Isabela

Tumataas din ang mga bagong kaso ng COVID 19 sa mga lalawigan ng Batangas at Pampanga, ayon sa OCTA Reaserch Group.

Base sa monitoring ng grupo, mas mataas pa ang pagdami ng mga kaso sa dalawang nabanggit na lalawigan kumpara sa mga kasama sa NCR Plus bubble, na binubuo ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Sa datos ng DOH, mula Marso 17 hanggang 23, 150 bagong kaso ang naitatala sa Batangas na 141 porsiyento pagtaas kumpara sa 62 kaso na naitatala sa pagpasok ng Marso.

Sa Pampanga naman, 121 ang naitatalang kaso kumpara sa 65 kaso bago ang latest monitoring na pagpapakita ng 86 porsiyentong pagtaas.

Sa Metro Manila, ang pagtaas ng mga bagong kaso ay 63 porsiyento, 61 porsiyento sa Cavite, 51 porsiyento naman sa Rizal at 53 porsiyento sa Laguna.

Napansin din ang 56 porsiyentong pagtaas sa lalawigan ng Isabela.

Read more...