Panukalang social pension hike sa mga senior citizen pasado na sa House panel
Lumusot na sa House Committee on Appropriations ang panukalang taasan ang social pension ng mga senior citizen.
Sa ilalim ng panukala, mula sa kasalukuyang P500 ay gagawin ng P1,000 kada buwan ang social pension ng mga nakatatanda.
Layon nito na amyendahan ang Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizen Act of 2010.
Ayon kay Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, isa sa may-akda ng panukala na napapanahon at malaking-bagay ang social pension hike lalo ngayong apektado ang mga lolo at lola ng COVID-19 pandemic.
Aniya, kapag ito ay naging ganap na batas maraming nakatatanda ang makikinabang sa dagdag na social pension para ipambili ng mga pagkain at gamot na kanilang kailangan.
Umaasa naman ang kongresista na mamadaliin na rin ng Senado ang bersyon ng panukala at agad na makapasa upang maging ganap ng batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.