“Despite the conversion of more hospital beds to critical care beds, the Emergency Room has also reached full capacity with a significant number of COVID-19 patients still waiting to be admitted,” saad sa abiso.
Umapela ang pamunuan ng ospital sa mga pasyeteng apektado ng COVID-19 na nangangailangan ng agarang medical attention na pumunta sa ibang healthcare institutions upang ma-accommodate.
Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit sa bansa at pag-abot sa full capacity ng ilang ospital, hinikayat ng SLMC ang publiko na sumunod sa minimum health standards.
Sa ganitong paraan, makakatulong anila ang publiko upang mapababa ang kaso ng COVID-19.