Panukalang paglikha ng Medical Reserve Corps, lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara
Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala para sa paglikha ng Medical Reserve Corps.
Layon ng House Bill 8999 na tugunan ang problema sa kakulangan ng medical workforce ng bansa sa panahon ng public health emergencies.
Nakasaad sa panukala na ang MRC ay maaaring buoin ng mga lisensyadong doktor kabilang ang mga retirado na, mga nagtapos ng medisina, nursing, at iba pang health professionals.
Isasailalim ang MRC sa pamamahala ng Health Emergency Management Bureau ng Department of Health, na siyang magsasagawa ng patuloy na pagsasanay sa mga ito.
Sa ganitong paraan ay nakahanda agad ang emergency manpower para sa mabilis at epektibong paghahatid ng serbisyo sa mga biktima o pasyente.
Tinitiyak naman sa bill na ang lahat ng miyembro ng MRC ay bibigyan ng proteksyon alinsunod sa itinatakda ng labor laws and standards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.