China, nanindigang hindi maritime militia ang sakay sa namataang Chinese vessels sa Julian Felipe Reef
Nanindigan ang China na hindi maritime militia ang sakay sa namataang 220 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, mga ordinaryong mangingisda lamang ang namataan sa Julian Felipe Reef.
Masama raw kasi ang panahon kung kaya sumilong muna sa lugar.
Sinabi ni Ambassador Huang na hindi nakatutulong ang mga espekulasyon na Chinese maritime militia ang nasa Julian Felipe Reef.
“As we issued a statement the day before yesterday, Chinese fishing vessels have been fishing in the area for many many years. Now, those vessels are taking shelter in that part of the sea. I think it’s a quite normal activity there is no such militia vessel as claimed by some people. Any speculation is not helping,” pahayag ni Huang.
Ginawa ni Huang ang pahayag sa isang ambush interview sa Ninoy Aquino Internstional Airport sa pagdating ng 400,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.