Pacquiao, maaga ang gising, handang-handa sa laban kay Bradley
Maganda ang gising ni Filipino Boxing Icon Manny Pacquiao, indikasyon na preparadong-preparado siya para sa ikatlo at huling laban kay Timothy Bradley sa Las Vegas, Nevada.
Sa ulat ni Francis Ochoa, sports assistant desk editor ng Philippine Daily Inquirer, sinabi nito na maagang gumising sa Pacquiao para isagawa ang ilang ritwal.
Kabilang dito ang bible service bago ang kanyang boxing match kay Bradley.
Pagkatapos nito, sinabi ni Ochoa na magpapahinga ng saglit si Pacquiao sa kanyang suite upang maihanda ng husto ang katawan at isip para sa laban sa ring.
Ayon kay Ochoa, pumapasok na rin ang weekend crowd kaya inaasahan na mabibili pa ang iba pang tickets sa trilogy nina Pacquiao at Bradley.
Samantala, present ang pamilya ni Pacman sa Las Vegas, sa pangunguna ng misis nito na si Jinkee at ina na si Mommy Dionisia.
Inaabangan din aniya kung may darating na politico, lalo’t batay sa reports, may ilang top officials ng partido ni Pacquiao na United Nationalist Alliance o UNA ang manunuod sa boxing match.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.