Nadagdagan ang seismic activity sa Bulkang Taal, ayon sa PAGASA.
Base sa Taal Volcano advisory bandang 12:30, Miyerkules ng tanghali (March 24), may naitalang 2,015 volcanic tremors, 734 low-frequency volcanic earthquakes at 18 hybrid earthquake events sa Taal Volcano Network.
Sinabi pa ng Phivolcs na umabot sa 1,184 tonnes kada araw ang sulfur dioxide gas emission noong March 21.
Sa ngayon, nasa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.
“Alert Level 2 (Increased Unrest) is currently maintained over Taal Volcano but that unrest has been elevating and is under constant evaluation,” saad sa abiso.
Sa gitna ng Alert Level 2, asahan ang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas sa Taal Volcano Island.
Inirekomenda naman ng Phivolcs ang pagbabawal sa pagpasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone ng Taal lalo na sa bisinidad ng Main Crater at Daamg Kastila fissure at occupancy at boating sa Taal Lake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.