Pinaglalatag ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Supreme Court at ang pamahalaan ng mga hakbang at reporma upang mabigyan ng proteksyon ang mga abogado at hukom,.
Ayon kay Zarate, magiging daan ang inilabas na pahayag ng Supreme Court para panindigan at maprotektahan din ang karapatan ng mga karaniwang tao.
Umaasa rin ito na ang pahayag at pagkundena ng Supreme Court laban sa mga pag-atake sa mga abogado, hukom at mahistrado ang daan para matigil ang ‘state of impunity’ na namamayagpag sa bansa.
Kahapon naglabas ng statement ang korte na nilagdaan ng 15 Supreme Court justices para kundenahin ang pagpatay sa mga abogado at pananakot sa mga hukom.
Iginiit ng Judiciary na hindi na nila mapapayagan ang kultura ng takot sa isang sibilisadong lipunan kaya naman naglatag sila ng mga aksyon para matigil na ang ganitong pagbabanta sa mga nasa legal profession.
Sa tala ng National Union of People’s Lawyer (NUPL), 54 na abogado na hukom ang napatay may kaugnayan sa trabaho simula taong 2016.