Pagdating ng isang milyong Sinovac vaccine ng China sasalubungin ni Pangulong Duterte

By Chona Yu March 24, 2021 - 10:47 AM

PCOO photo

Personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating sa bansa ng isang milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Sinovac ng China sa Marso 29.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa kalendaryo na ni Pangulong Duterte ang naturang aktibidad.

“Well, sasagutin ko po iyong sa Presidente, hindi po sasalubong si Presidente sa 24 pero nasa kalendaryo po ng Presidente iyong pagsalubong doon sa 1 million na binili natin sa Sinovac ‘no on the 29th,” pahayag ni Roque.

Ang isang milyong bakuna ng Sinovac ang kauna-unahang bakuna na binili ng Pilipinas.

Sa ngayon, mayroon ng 1 milyong doses ng Sinovac vaccine at 487,200 doses ng AstraZeneca na pawang donasyon sa Pilipinas.

TAGS: China, covid 19 vaccine, president duterte, Sinovac, China, covid 19 vaccine, president duterte, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.