Pagbuwag sa IATF matagal na dapat ginawa ng pamahalaan

By Erwin Aguilon March 24, 2021 - 08:32 AM

Photo credit: Sen. Bong Go

Iginiit ng Makabayan bloc sa Kamara na dapat noon pa  binuwag na ang Inter-Agency Task Force o IATF for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ito ayon sa Makabayan bloc ay kasunod ng mga panawagan na lusawin na ang IATF dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noon pa man ayon sa grupo ay ay iginiit na nila na dapat ay mga medical experts at scientist ang mangunguna sa IATF .

Gayunman, ang mga miyembro ng IATF ay masyadong nagmagaling at nagmarunong lamang.

Kaya hindi na anila nakapagtataka kung humantong ang bansa sa sitwasyon ngayon kung saan dumarami na naman ang mga kaso ng COVID-19.

Nauna nang nanawagan Makabayan Bloc na alisin sa IATF ang mga dating miyembro ng militar, upang mapalitan ng mga tunay na eksperto sa medisina at public health.

TAGS: COVID-19, IATF, Makabayan bloc, COVID-19, IATF, Makabayan bloc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.