Tatlong weather system umiiral sa bansa; pag-ulan sa ilang mga lugar asahan na
Northeast monsoon o Amihan pa rin ang umiiral sa Northern Luzon habang Tail-end ng Frontal System naman ang nakaaapekto sa eastern sections ng Central at Southern Luzon at easterlies naman ang sa iba pang panig ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang CARAGA, Davao Region, Bicol Region, Eastern at Central Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thurderstorms dala ng tail-end ng frontal system.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at lalawigan ng Quezon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan dahil sa Amihan.
Makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rains sa Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon dulot ng Amihan.
Sabi ng weather bureau, posibleng ito na ang huling bugso ng Amihan.
Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na himpapawid na may kasamang isolated rains o kaya naman ay thunderstorms dulot ng easterlies.
Ang araw ay sumikat 5:58 ng umaga at lulubog 6:07 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.