F. Pascual St. sa Navotas, isasara bukas (March 24)
By Angellic Jordan March 23, 2021 - 09:48 PM
Abiso sa mga motorista.
Isasara ang isang kalsada sa bahagi ng Barangay Tangos South sa Navotas City.
Ayon sa Navotas City government, hindi muna madadaanan ng mga motorista ang F. Pascual Street sa araw ng Miyerkules, March 24, 2021.
Layon nitong bigyang daan ang gagawing pagsasaayos ng kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Inabisuhan ang mga pampublikong sasakyan na kumaliwa sa A. Dela Cruz Street o gilid ng San Roque Church.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.