Mga gym, spa at internet cafe sa Metro Manila, sarado hanggang April 4

Sarado muna ang mga gym, spa at internet cafe sa Metro Manila.

Naglabas ang Metro Manila Council, araw ng Martes (March 23), ng resolusyon ukol sa pansamantalang suspensyon ng operasyon ng mga naturang establisyimento.

Base sa resolusyon, epektibo ang suspensyon ng operasyon hanggang hanggang sa April 4, 2021.

Kabilang ito sa mga naging hakbang ng Metro Manila Council kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Pirmado ang resolusyon ng 17 alkalde.

Read more...