Negros Occidental, niyanig ng magnitude 3.7 na lindol
By Angellic Jordan March 23, 2021 - 08:01 PM
Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Negros Occidental.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 24 kilometers Northwest ng City of Sipalay dakong 7:38 ng gabi.
May lalim ang lindol na walong kilometeo at tectonic ang origin.
Naitala naman ang instrumental intensity 3 sa kaparehong bayan bunsod nito.
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.