18 sundalo patay, 53 sugatan sa sagupaan sa Basilan

By Josephine Codilla, Radyo Inquirer Correspondent April 10, 2016 - 07:22 AM

basilanPatay ang 18 sundalo ng 44th Infantry Battalion habang 53 ang nasugatan sa 10 oras na bakbakan ng mga Militar sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan araw ng Sabado, April 9, Araw ng Kagitingan.

Nakasagupa ng mga militar ang tropa ng Abu Sayyaf commander na si Isnilon Hapilon.

Alas siyete na ng umaga nang ubusin ang isang platoon at opisyal nito, habang tumagal naman ang bakbakan hanggang alas singko ng hapon.

Apat sa nasawing sundalo ay pinugutan pa ng ulo.

Ang nasabing mga nasawi ay hindi naman kinumpirma ng Western Mindanao Command, pinagbawalan din ang mga mamahayag na makapasok sa headquaters kahit pa sa media center.

Kinumpirma naman ni Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command na 22 sundalo ang nasugatan sa nasabing bakbakan sa Sitio Bayoko Brangay Baguindan Tipo-Tipo.

Sinabi pa ni Tan, tinatayang nasa 120 bandido na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf ang nakasagupa ng 44th IB Sabado ng umaga.

Nakatanggap naman ng ulat si ARMM Gov. Mujiv Hataman na may mga sundalo ang nasawi sa pakikipagbarilan nila sa grupo ni Isnilon Hapilon. “Troops are blocking their entry, that is what I got from the ground,” ani Hataman.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.