Malabon City Mayor Lenlen Oreta, nagpositibo sa COVID-19

By Angellic Jordan March 23, 2021 - 03:32 PM

Nagpositibo sa COVID-19 si Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta lll.

Sa inilabas na pahayag sa kaniyang Facebook account, sinabi ng alkalde na sumailalim siya sa swab test bilang bahagi ng contact tracing.

Araw ng Martes (March 23), lumabas aniya ang resulta na positibo siya sa nakakahawang sakit.

“Bagamat wala akong symptoms gaya ng lagnat, I will be working at home in the following days,” pahayag nito.

Mayroon din aniyang contact tracing sa mga nakasalamuha niya nitong mga nakaraang araw.

“This only shows na matindi pa rin ang epekto ng COVID-19 sa Malabon,” ani Oreta.

Kailangan aniya ang matinding pag-iingat, lalo na sa pagsunod sa ipinatutupad na health protocols.

“On behalf of the city, we would continue to ensure that we bring down the cases ng COVID dito sa ating siyudad,” dagdag pa nito.

TAGS: Antolin Oreta III, Inquirer News, Lenlen Oreta COVID-19 positive, Mayor Lenlen Oreta, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, Antolin Oreta III, Inquirer News, Lenlen Oreta COVID-19 positive, Mayor Lenlen Oreta, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.